Monday, May 18, 2009

Usapang Sabaw

Ang diningdeng ay isang uri ng lutuing Pilipino na may mga gulay, sabaw at bagoong.

Diningdeng na may kicker

Mga sangkap:
4 na tali ng saluyot
2 tali ng bulakalak ng kalabasa
1 tali ng bunga ng malunggay
Bagoong isda

Sahog (optional)
Mga tirang inihaw o piniritong isda.

1. Magpakulo ng tubig (4-6 tasa).
2. Pagkulo, ihulog ang sahog (dabest ang leftover na inihaw na bangus or tuna), pakuluan ng
mga 5 minuto.
3. Ihulog ang saluyot ( pakuluan uli mga 5 minutes)
4. Ilagay ang bagoong isda ( 5 kutsara, o kaya's tikman at tantyahin)...
5. Ihulog ang bulakalak ng kalabasa at malunggay
6. Pigaan ng 4-6 kalamansi (ito ang kicker!)

solb! lalo na kung nakakamay!